October 2nd, 2008
Plano ko (dapat) ngayong Araw
Whaw, bakasyon. Buti naman may isang araw akong pwede kong gawin kung anumang naisin ko. Eto dapat ang magiging laman ng iterinary ko:
- Mag-gigitara
- I-format ang cellphone
- Mag-drawing
- Mag-aral ng japanese
- Manood ng Nihongo Dekimasu
- Magbasa ng manga
- Pumunta sa SM Calumpang
- Mag-edit ng logo pinakiusap ng ka-opismeyt ko
Nagising yata ako mga 9am na. Dahil inisip kong wala naman akong pasok, natulog ulit ako.
12nn. Tanghalian na. Kumain ako ng pancit tapos natulog ulit.
2pm. Dumating ang mommy ko. Nanood kami ng telenobelang pinagtataka ko kung bakit hindi pa matapos-tapos eh mababaw lang naman yung plot. Pagkatapos natulog ulit ako
6pm. Kailangan nang kumilos. Kinuha ko ang gitara ko at nagsimulang ... teka wala sa tono. Ginalaw nga pala ito nung spolied brat sa kabilang bahay at hindi ko na maibalik sa dati. Next time na lang.
6:30pm. Kinuha ko yung libro ko para sundan yung insctructions sa pag-dra-drawing. Kaso masyado akong natuwa kaya binasa ko na lang lahat. Oops, kakain na.
7:00pm. Kainan na, nakalimutan ko na lahat kasi nanood ako ng telenovela, lolx
12mn. Nag-edit ako ng logo hanggang 2am
Wasted nanaman ako. So much for the vacation day.
Currently listening to: Attack! Attack! UK's "Honesty"
kairee

im sasughey lol
orekimok
